anak ni mang juan. marami kang magagawa
1. ang iyong mga magulang ay igalang at huwag sisihin sa kahirapan nangyayari sa bansa. ang sisihin ang nakaraan ay paghahanap ng mga kadahilanan sa mga sariling kamalian nagawa. siya kasi...siya kasi
walang katapusan turuan at sisihan na nagreresulta sa pagtatanggol sa sarili na para bagang sinasabi na kung hindi dahil sa mga maling gawain namana hindi sana ganitong maghihirap ako, ang bansa.
2. huwag mag aasawa ng hindi tunay na nakahanda sa pananalapi at tungkulin kakaharapin sa buhay bilang mayasawa.
baka magaasawa ka at iyaasa sa mga magulang ang pagkain at kabuhayan. at kung hindi mabigyan ay magtatampo at magagalit sa magulang dahil hindi naabutan ng pambili ng bigas at gatas ng anak.
3. pilitin mong makatapos ng pagaaral ng may natutuhan. dahil kung magbubulakbol ka lamang, ang mangyayari sa iyo ay nakamit mo ang iyong diploma ngunit kulang ang kaalaman mong natanggap dahil sa paglalakwatsa. huwag aksayahin ang panahon sa kaibigan at mga barkada.
4. ilayo ang sarili sa pitlag ng iyong ari dahil ang hanap niyan ay physical sensation ng wala sa panahon dahil hindi nakahanda ang kaisipan at katawan sa mga pananagutan kakambal nito.
5. tumulong ka sa kabuhayan ng iyong pamilya upang makaanngat at makaakyat sa panibagong andana sa kabuhayan. nasa tiaga at tulunga sa pamilya ang ikapagtatagumpay.
6. iwasan ang paginom at paninigarilyo dahil wala itong maitutulong sa inyong kabuhayan. pinsala pa ang magiging dulot nito sa iyong katawan
7. pangalagaan ang katawan laban sa mga bacteria virus at mga organismo na pipinsala sa iyong lakas.
8. pangalagaan at pagandahin ang iyong kapaligiran para sa isang matahimik at matiwasay na pamumuhay.
9. huwag makakalimot magdasal at makipagusap sa panginoon para sa iyong kinabukasan
10. magasawa ka pag handa ka na sa mga pananagutan ng isang buhay may asawa..........
11....12... ang lahat ay dapat mong gawin para sa iyong kinabukasan at sa ikauunlad ng ating bansa....tandaan mo ang mga iyan........anak ni mang juan.

No comments:
Post a Comment