kayrami ng election halalan ang nagdaan
mga pangakong binitiwan pagasa nasaan
programang pangako kamiy iyong tulungan
na makaahon sa kinasadlakan kahirapan
sa tamis ng iyong dilang walang laman at buto
ikaw ay nanalo nakamit mo aming mga boto
kami'y naghintay at umasa ngaunit laging bigo
ang kinabukasan ko sa karalitaan ay bilanggo
hindi ko pinangarap na maging isang mayaman
nais ko lamang makaahon sa aking kahirapan
mga anak magandang bukas ay nais mabigyan
simpling mga pangarap ang natamo ay kabiguan
kayong botante ay huwag titigil na laging palitan
ang mga konsehales na hindi ginawa ang katungkulan
na bumuo resulution ordinansa sa iyong kapakanan
hanggang magtagumpay at makaahon sa kahirapan
ngayon mayo 10, 2010 ay election na naman
pangako ng kandidatong politiko nagsalimbayan
katungkulan mo't karapatan alisin sila sa luklukan
ipalit mo ang sa puso't diwa kayo'y paglingkuran
isa si mang rey bautista na iyong pagpipilian
handang handa na dahil puno na sa karanasan
tanging layunin ikaw ay kanyang paglingkuran
ilagay sa iyong puso't diwa bautista sa botohan
Friday, March 26, 2010
Subscribe to:
Post Comments (Atom)

No comments:
Post a Comment